Retrophotography
(Pasakalye aka palusot: Long time no see! Nakakamangha ang aking pagka-prolific. Ito ang una kong blog entry mula nung October 21. Busy. Magpapasko na eh. Kailangang magkapera.)
Nitong nakaraang huntahan namin ni kumareng ka-blag na maida ay napagkuwentuhan namin ang tungkol sa mga kamera. Sa mga hindi nakakaalam, itong aking kumareng ito ay isang aspiring amateur photographer.
Nabanggit ko na meron kaming Polaroid Camera na nakaligtaan ko kung ano ang model. Basta mukha siyang malaking rectangular na black box. Sikat ang Polaroids noong dekada ’70 at ’80 dahil nagpiprint sya ng sarili niyang pictures pagkatapos ng shot mo. “Shake it like a Polaroid picture“ ika nga ni Andre 3000. Totoo yun, dahil pagkalabas ng photo paper kailangan mong i-shake para lumabas ang kulay nya, otherwise eh magmumukhang nataihan ng bolpen ang picture mo.
Hinanap ko yung camera namin na yun na matagal nang binalot sa aparador at binalot na rin sa limot dahil sa mga naglabasang makabagong camera na mas praktikal at mas cool tingnan. Wala sya sa aparador ni erpats, pero nakita ko ang ibang camera namin na hindi ko masyadong binibigyan ng pansin dati, pero dahil nahihilig na din ako sa photography at mahilig din ako sa retro, natuwa ako ng makita ko ulit sila. Share ko lang:











waaahhh.. nice naman nung mga camera ng erpat mo. sana magamit mo pa yan. pag gumagana pa, peram. gusto ko din try ang film photography.
wala na yung polaroid niyo?
konting hanpa, hanap pa. sige na.
ps. sa wakas, nag-update ka na rin ng blog mo.
yung konica stuck na yung film lever nya.
yung 28-85mm lens alam ko pwede sya for newer slrs. problem is matigas yung rear lens cap, di ko matanggal.
at sinipag ako mag-update ng blog. naka-leave ako at tuesday night na balik ko. home alone ako, the rest of the peeps na kasama ko sa bahay nasa subic ngayon. tsk.
so no chances na yung konika? tsk, sayang naman. yung lens, pwede pa sa digital slr or sa film slr lang talaga? wag mo akong sabihan ng naive kasi wala talaga akong idea. >:)
peram, peram, peram. kahit 1 day lang.
btw, hwaw, pink couch. is it in your room, kewl.
lupit nung isang lens 28-85mm. ganda naman.
pwede pa siguro ipaayos sa hidalgo, pero mas ok na for display na lang muna siya. yung couch old school na rin yan, pero re-upholstered na hahaha.
kung compatible yung slot nung lens sa camera, pwede yun, kaya nga hanggang ngayon mahal pa rin yung mga lens na luma. di ko lam kung pwede vivitar sa nikon hehehe
weeeh!!old skul!!
pwde na yan…vintage collection..mahal na yan sa market.hehehe
huwaw, unang non-officemate na nagcomment s blog ko hehehe. thanks dude
medyo patatagalin ko pa ng konti to para mas mataas value.
huwaw, may post na si kuya dee, haha, sa wakas, after 20 yrs, ang gaganda naman ng mga camera
isa ka pa na nagba-blog sa office! hehehe. tenks tenks
wowwwwww! ang ganda ng cam! iniisip ko nga sana naipanganak na ako noon! para naman nakacollect ako ng mga camera!
astig!
aylabdacam!
uy, tenks for dropping by. hmp, sa tatay ko yan. baka isipin mo matagal na ako pinanganak kaya meron kami nyan. (huwag kang magcomment mei ha hehehe)
dahil sinabi mong wag akong mag-comment, nagcomment ako. pero no comment ako sa age ni dee. (ayan, tingnan mo hindi kita nilaglag.):-D