Pinas on the map… again (for the wrong reasons)

Nakakatuwa na tayong mga Pinoy ay palaging may claim to fame. Nitong mga nakaraang linggo ay balita sa buong mundo ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao, pati na ang pagkapili kay Efren Penaflorida bilang CNN Hero of the Year.

Kung may claim to fame ang mga pinoy, meron din tayong claim to infamy, ika nga. Hanggang ngayon ay nag-aabang ang mundo sa takbo ng imbestigasyon sa naganap na Maguindanao Massacre. Gudlak na lang kung makokontra ng mga naghahanap ng hustisya ang hokus-pokus ng mga nagpapatakbo sa bayan natin.

On a slightly lighter note… (erm, kung bakit “slightly” eh magbasa ka muna, okay? ), nailagay ulit ang Pilipinas sa mapa ng mundo sa isang listahang isinagawa ng National Geographic: Top Ten Discoveries of 2009 – Nat Geo News Most Viewed. Ayon sa listahan, 2 hayop na kabilang sa endangered species ang natagpuan sa Pilipinas sa taong ito. Ang masaklap isipin ay kung paano “iwelcome” ng mga Pilipino ang mga  hayop na nabanggit.

MEGAMOUTH SHARK: Ultra-rare shark found… and eaten.

In March, the 41st megamouth shark ever found went from swimming in Philippine waters to simmering in coconut milk.

Para sa buong istorya kung paano ginataan, este, kung ano ang kinahinatnan ng kawawang ultra-rare pating, pumunta dito.

“EXTINCT” BIRD SEEN, EATEN.

Long believed to be extinct, a rare quail from the Philippines was photographed for the first time ever—then sold at a poultry market, experts said in February.

Para malaman kung paano naalis ang “quote-unquote” sa extinct, pumunta dito.

Ang mga kuwentong ito ang sumasalamin sa kahirapan ng maraming Pilipino, pati na rin ang nakaugalian nating pag-didisregard at pag-trato bilang pagkain sa mga hayop na hindi pusa at hindi aso (actually, subject of debate na rin pati ang mga hayop na ito.). Olats na ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa korupsyon, human rights, at pati na rin sa animal rights. Nakakalungkot. :(

~ ni Dee sa Disyembre 4, 2009.

7 Tugon to “Pinas on the map… again (for the wrong reasons)”

  1. awtz, un lang, durog na durog na ang bansa natin :(

  2. naks, socially concious. :-D

    extinct na pala ang pugo? bakit madami pa ding itlog ng pugo?

    magsumbong ka sa PeTA. hehe.

  3. Sayang naman! Pagdasal na lang natin na meron pa tayong mkitang ganyang lahi tapos unahan na natin ang mga tomguts sa laman ng hayop.

  4. pero minsan duda rin ako na kahirapan yung dahilan bakit nati-chicha yung mga endangered na hayop. meron din kasing mga hikahos tayong kababayan na mapagmahal pa din sa kalikasan. baka mas personal attitude pa yung issue.
    :-)

  5. kombinasyon na rin ng sari-saring problema.disiplina,kagutuman,kawalan ng edukasyon at kawalan ng paki-alam.kahit kasi minsan,aware na…tira pa rin.pero hindi naman lahat dahil sa balita kadalasan,sinasauli nila yung mga hayup sa DENR.

    kaya pa rin ng pinoy!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.