Nothing noteworthy here. I’m just testing this mobile thingie. Sucks that you can’t read other people’s blogs without opening a browser, though.
Posted from WordPress for Android

Nothing noteworthy here. I’m just testing this mobile thingie. Sucks that you can’t read other people’s blogs without opening a browser, though.
Posted from WordPress for Android
Nakakatuwa na tayong mga Pinoy ay palaging may claim to fame. Nitong mga nakaraang linggo ay balita sa buong mundo ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao, pati na ang pagkapili kay Efren Penaflorida bilang CNN Hero of the Year.
Kung may claim to fame ang mga pinoy, meron din tayong claim to infamy, ika nga. Hanggang ngayon ay nag-aabang ang mundo sa takbo ng imbestigasyon sa naganap na Maguindanao Massacre. Gudlak na lang kung makokontra ng mga naghahanap ng hustisya ang hokus-pokus ng mga nagpapatakbo sa bayan natin.
On a slightly lighter note… (erm, kung bakit “slightly” eh magbasa ka muna, okay? ), nailagay ulit ang Pilipinas sa mapa ng mundo sa isang listahang isinagawa ng National Geographic: Top Ten Discoveries of 2009 – Nat Geo News Most Viewed. Ayon sa listahan, 2 hayop na kabilang sa endangered species ang natagpuan sa Pilipinas sa taong ito. Ang masaklap isipin ay kung paano “iwelcome” ng mga Pilipino ang mga hayop na nabanggit.
MEGAMOUTH SHARK: Ultra-rare shark found… and eaten.

In March, the 41st megamouth shark ever found went from swimming in Philippine waters to simmering in coconut milk.
Para sa buong istorya kung paano ginataan, este, kung ano ang kinahinatnan ng kawawang ultra-rare pating, pumunta dito.
“EXTINCT” BIRD SEEN, EATEN.

Para malaman kung paano naalis ang “quote-unquote” sa extinct, pumunta dito.
Ang mga kuwentong ito ang sumasalamin sa kahirapan ng maraming Pilipino, pati na rin ang nakaugalian nating pag-didisregard at pag-trato bilang pagkain sa mga hayop na hindi pusa at hindi aso (actually, subject of debate na rin pati ang mga hayop na ito.). Olats na ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa korupsyon, human rights, at pati na rin sa animal rights. Nakakalungkot.
(Pasakalye aka palusot: Long time no see! Nakakamangha ang aking pagka-prolific. Ito ang una kong blog entry mula nung October 21. Busy. Magpapasko na eh. Kailangang magkapera.)
Nitong nakaraang huntahan namin ni kumareng ka-blag na maida ay napagkuwentuhan namin ang tungkol sa mga kamera. Sa mga hindi nakakaalam, itong aking kumareng ito ay isang aspiring amateur photographer.
Nabanggit ko na meron kaming Polaroid Camera na nakaligtaan ko kung ano ang model. Basta mukha siyang malaking rectangular na black box. Sikat ang Polaroids noong dekada ’70 at ’80 dahil nagpiprint sya ng sarili niyang pictures pagkatapos ng shot mo. “Shake it like a Polaroid picture“ ika nga ni Andre 3000. Totoo yun, dahil pagkalabas ng photo paper kailangan mong i-shake para lumabas ang kulay nya, otherwise eh magmumukhang nataihan ng bolpen ang picture mo.
Hinanap ko yung camera namin na yun na matagal nang binalot sa aparador at binalot na rin sa limot dahil sa mga naglabasang makabagong camera na mas praktikal at mas cool tingnan. Wala sya sa aparador ni erpats, pero nakita ko ang ibang camera namin na hindi ko masyadong binibigyan ng pansin dati, pero dahil nahihilig na din ako sa photography at mahilig din ako sa retro, natuwa ako ng makita ko ulit sila. Share ko lang:
isang lame excuse dahil tinatamad pa akong magsulat (o wala lang talagang maisulat)
for the meantime, paki-bwisit, este paki-visit (italicized para kunyari may alam sa formal writing) ang mga blog ng aking mga mahal na kaibigan at kaopisina. Hilarious and scathing comments optional. Joke lang.
Sa susunod ulit dahil I…

Me angal ka?